Back

Nawawala

Sino ba talaga ako
Ano ba talaga ako
Palagi na lang ganito

Nakakasawang pakinggan ang ako
Ako na hindi ko kilala ang sarili ko
Sarili ko na pinipilit kong magbago
Magbago kung ano ang kulang sa aking pagkatao

Ako’y tuluyang napapagod na
Napapagod na ang aking mata
Aking mata puno ng luha
Luhang lumalabas ay tuyot na

Gusto kong lumayas
Sapagkat ako ay hindi makalayas
Makalayas na sana pero nandiyan ang aking pamilya
Pamilya na di ko maintindihan kung ano ba ako sa kanila

Ako ba’y may problema
Problema sa aking isipan
Isipan na puno ng mga katanungan
Katanungan na hindi ko masagotan

Masagotan kung bakit palagi na lang ako’y naguguluhan
Naguguluhan sa mga naririnig ko sa aking isipan
Na sana gusto kong iwasan at hindi iintindihin
Iintindihin na mga nagsasalita sa aking isipan

What’s your Reaction?
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0

Post a Comment